sawa


sa·wá

png |Zoo |[ Bik Hil Kap Seb Tag War ]
:
malakíng ahas (Constrictor constrictor ) na walang kamandag ngunit nanlilingkis : BEKLÁT, BIKLÁT1, BITÍN, BOA CONSTRICTOR

sa·wà

png |pag·sa·sa·wà
:
pakiramdam na ayaw na ayaw na sa isang bagay, gaya ng pagkain na pinagpasasaan o laging kinakain at anumang paulit-ulit : SUYÀ2 — pnd mag·sa·wà, sa·wá·an.

sa·wâ

pnr
:
may pakiramdam na ayaw na ayaw na sa isang bagay : BANTÁD3

sá·wa

pnr |[ ST ]
:
sagana sa pagkain.

sa·wág

png |[ ST ]
2:
pagbaligtad ng tiyan Cf LIYÓK

sa·wák

pnr |[ Ilk ]
:
may tuwid na sungay.

sa·wák

pnd |i·sa·wák, mag·sa·wák
:
pabagsak na ilubog ang kamay o anumang bagay sa tubig.

sá·wal

png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng isdang raya.

sa·wa·lì

png |[ Kap Pan Tag ]
:
nilálang lapát na kawayan at ginagawâng dingding o partisyon ng bahay : SÁLSAG, TÍDTID Cf AMÁKAN2, SÁSAG

sá·wal tá·ho

png |[ Tbo ]
:
abakang pantalon, tinina sa pamamaraang ikat at tinahi.

sá·wan

png
1:
Med pagkahilo, lalo na sa matataas na pook Cf LAGIMLÍM
2:
Med sa mga batà, pagkahilo o kumbulsiyon
3:
Med sa mga tigulang, sakít sa pusò : SASAWANÍN
4:
kulay lungtiang tae ng sanggol
5:
pagpaligo sa batàng bagong panganak

sá·wang

png
1:
Bot [Ilk] pitúgo1
2:
Ark [Kal] pinto ng kubo
3:
[War] pamayanang panlungsod

sá·wang

pnd |mag·sá·wang, sa·wá·ngan, sa·wá·ngin |[ Ilk ]
1:
magsabi o sabihin
2:
magbukas o buksan.

sá·wang

pnr |[ ST ]
:
malukong at malalim.

sa·wáng bi·tín

png

sa·wá-sa·wá

png |Bot

sá·wat

png |[ ST ]
:
pagtigil sa pag-iyak o pagsigaw.

sa·wa·tà

png
1:
pahayag o kilos ng pagbabawal o pagpigil : TAPNÀ, TÍPDEN, SAYAHÁ, SUMPÒ
2:
pagpígil o pagkontrol sa nagaganap na, hal sawatà sa kain, daloy ng dugo, o gulo : TAPNÀ, TÍPDEN, SAYAHÁ, SUMPÒ — pnd ma·sa·wa·tà, sa·wa·ta·ín, su·ma·wa·tà.

sa·wa·tó

png |[ ST ]
:
pagkakasundo o pagkakaintindihan.

sá·waw

png |[ Mrw ]

sa·wáy

png
1:
[Bik Hil Kap Seb Tag War] pagpigil o pagbabawal upang huwag ituloy ang gagawin : ANGSÓL, SABÁL, SANSALÀ, SAPLÁD2
2:
[Hil] tansô
3:
[Hil] subó1

sá·way

png |[ ST ]
:
pagtawag sa kabundukan.