black
black eye (blák ay)
png |Med |[ Ing ]
:
pangingitim ng balát sa paligid ng matá, karaniwang dahil sa bugbog.
black head (blák hed)
png |Med |[ Ing ]
:
maitim na duming mantsa sa balát, lalo na sa mukha.
black hole (blak howl)
png |Asn |[ Ing ]
:
bahagi o rehiyon sa kalawakan na may napakalakas na grabedad na kahit na ang liwanag ay hindi nakatatakas ; pinaniniwalaang ang pagguho ng isang bituin ang posibleng dahilan nitó.
blackjack (blák·dyak)
png |[ Ing ]
1:
bandila ng mga pirata
2:
uri ng laro sa baraha : BÉYNTE UNO,
TWENTY ONE
blacklist (blák·list)
png |[ Ing ]
:
listáhan ng mga tao na pinaghihinalaan o may masamâng reputasyon.
blackmail (blák·meyl)
png |[ Ing ]
1:
pamimilit sa tao na sumunod sa gusto sa pamamagitan ng pananakot
2:
panghuhuthot o paghingi ng bayad bílang kapalit sa hindi pagsisiwalat ng nakasisiràng impormasyon o lihim
3:
anumang kabayarang nakukuha sa naturang paraan.
black market (blák már·ket)
png |Ekn |[ Ing ]
1:
ilegal na pangangalakal
2:
pagbili o pagtitinda ng kalakal na dapat ay nása kontrol ng pamahala-an, kasáma na ang pagbili o pagtitinda ng dayuhang salapi.
blackout (blák awt)
png |[ Ing ]
1:
pansamantala o tuluyang pagkawala ng paningin, malay, o alaala
2:
pagkawala ng koryente o signal ng radyo Cf BROWNOUT
Black Sea (blak si)
png |Heg |[ Ing ]
:
Dágat Itím.