bulaklak


bu·lak·lák

png |[ ST ]
:
binusang bigas na pumuputok na tíla bulaklak.

bu·lak·lák

png |Bot |[ Kap Pan Tag ]
1:
organ ng reproduksiyon ng haláman na tinutubuan ng bunga o mga butó : BÓLAK, BÚRAK2, FLOR1, FLOWER, SÁBONG3
2:
naturang organ na may matingkad na kulay kapag namumukadkad ang talulot : BÓLAK, BÚRAK2, FLOR1, FLOWER, SÁBONG3

bú·lak·lá·kan

png |[ bulaklák+an ]
1:
harding pamulaklakan
2:
panahon ng pamumulaklak
3:
pamilihan o tindahan ng iba’t ibang uri ng bulaklak
4:
Lit larong may tula at awitan na ginagawâng aliwan sa lamayan.

bu·lak·lák-ba·tó

png
1:
Zoo ságay
2:
Bot alga (Asparagopis taxiformis ) na kulay lila, malambot at mabalahibo, karaniwang nabubúhay sa talampas at mga sirâng barko.

bu·lak·lá·kin

pnr |[ bulaklák+in ]
1:
Bot laging namumulaklak
2:
may disenyong mga bulaklak, gaya ng sa tela.