sagay
sa·gáy
png |Bot |[ War ]
:
nahihinog na búko ng niyog.
sá·gay
png |Zoo |[ ST ]
1:
matigas at parang bató na substance na inilalabas ng ilang uri ng coelenterate bílang panlabas na kalansay, karaniwang nabubuo bílang tangrib sa mainit na dagat : BULAKLÁK-BATÓ1,
CORAL,
KORÁLES1,
RINGÁW
2:
matigas na coelenterate na may tíla sungay na kalansay, malimit na nagsasáma-sáma bílang kolonya at umaasa sa pagkakaroon ng lumot sa kanilang tissue para makakuha ng enerhiya mula sa sinag ng araw : BULAKLÁK-BATÓ1,
CORAL,
KORÁLES1,
RINGÁW
3:
ilan sa mga order sa class Anthozoa, kabílang ang tinatawag na “totoong” koráles (order Scleractinia o Madreporaria ) na nabubuo bílang tangrib : BULAKLÁK-BATÓ1,
CORAL,
KORÁLES1,
RINGÁW
sá·gay
pnr |[ ST ]
:
namamasyal nang paunti-unti.
sa·gá·yad
png
:
buntot ng sáya.
sa·gá·yan
png |Say
1:
[Mag]
sayaw ng pakikidigma
2:
[Mrw]
sayaw ng tagumpay laban sa pananakop.
sa·gáy-sa·gáy
png |[ Mnd ]
:
galáng na gawâ sa korales.