bulutong


bu·lú·tong

png |Med
1:
nakahahawang sakít sanhi ng virus na variola, lumilikha ng mga bilóg na pasâ sa balát, at nag-iiwan ng pilat : BALÚTONG, BULÚTUNG, BURTÓNG, BÚTI4, BUTÍ, GULUTÓNG, PÁNDOK, POKÔ, POX, SMALLPOX, TUSTÓS3, VARIOLA
2:
anumang tulad ng pasâng likha ng naturang sakít : BALÚTONG, BULÚTUNG, BURTÓNG, BÚTI4, BUTÍ, GULUTÓNG, PÁNDOK, POKÔ, POX, SMALLPOX, TUSTÓS3, VARIOLA

bu·lú·tong-tú·big

png |Med
:
nakahahawang sakít, nagdudulot ng lagnat at makakatí at namamagâng pantal, sanhi ng virus na herpes zoster, at karaniwang nakukuha sa batà na nagiging imyun sa sakít na ito pagkatapos magkaroon nitó ; higit na mahinà kaysa bulutong : CHICKENPOX, DÁLAP, HANGGÀ, TUKÔ2, VARICELLA