buti
bú·ti
png |ka·bu·tí·han
1:
katangiang ikinasisiyá ng kapuwa tao at umaalinsunod sa pamantayang moral ng lipunan, hal katapatan, pagiging matulungin, pagiging magálang : BAÍT Cf KAGANDÁHANG-LOOB
2:
kalagayang maayos at maganda — pnr ma·bú·ti
3:
pag·bú·ti pagbalik ng lakas o kalusugan mula sa karamdaman
4:
Med
[ST]
bulutong, ketong para sa mga Tinggian
5:
[ST]
ganda o kagandahan
6:
[ST]
palamuti o pagpapalamuti.
bu·tí·hin
pnr |[ ST ]
:
kaaya-aya, matikas magbihis.
bu·tík
png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng ibong may iba’t ibang kulay.
bu·tí·kas
png |Bot |[ ST ]
:
tumutubò na pálay.
bu·tík-bu·tík
png |[ ST ]
:
paghahalò ng iba’t ibang kúlay.
bu·ti·kî
png |Zoo
bu·tí·law
png |Zoo |[ ST ]
:
malakíng butetè.
bu·ting·gán
png |Bot
:
ilahas na kamatis (Lycopersicum esculentum ).
bu·ting·tíng
png
1:
[Bik Ilk Kap Pan Tag War]
labis na pagbusisi sa mga hindi mahalagang detalye : BUTBÓT2 var gutintíng
2:
[ST]
paghawak o paggawâ ng isang bagay na parang naglalaro lámang.
bú·tit
png |[ Ifu ]
:
malaking basket na hugis banga, gawâ sa mga patpat na silat-silat, at ginagamit na sisidlan sa panghuhúli ng bálang : ÍWUS