busi


bu·sí

png |Bot |[ Kap Tag War ]

bu·si·gít

png |[ Ilk ]

bu·si·gít

pnr |[ Ilk ]
:
sirâ1 o may pilat.

bu·sik·sík

pnr
1:
siksík at punông-punô
2:
maliit at matipuno : BUTIKTÍK

bú·sil

png |Bot
1:
tigás o ubod ng punongkahoy : BELLÁT
2:
búsal, karaniwan ng mais.

bu·sí·lag

pnr |[ ST ]

bu·sí·lig

png |Ana |[ Bik Tag ]
:
putîng bahagi ng matá : BULIGÀ1

bu·sí·na

png |Mek |[ Esp bocina ]
:
kasangkapang pansasakyan na pinatutunog bílang hudyat o babalâ : PÓTPOT1

bu·sí·nag

png |Bot |[ Ilk ]

business (bís·nes)

png |[ Ing ]
1:
Kom negósyo Cf BIZ
2:
bagay na kailangang asikasuhin.

bu·síng

png
1:
Ana [ST] balát sa dulo ng ari ng batàng laláki
2:
[ST] salsál1 o pagsasalsál.

bú·sing

png |Mek |[ Ing bushing ]
1:
Ele lining para sa bútas at nagsisilbing aislamyento at pananggol sa pagkagasgas ng isa o higit pang conductor na dumaraan dito
2:
Mek napapalitang manipis na túbo, karaniwang tanso, nása kaha o housing, at nagsisilbing bearing ; o napapalitang túbo na yarì sa matigas na bakal at ginagamit na giya para sa iba’t ibang kagamitan o bahagi ng mákiná, gaya sa balibol.

bu·si·sáw

png |Med |[ Seb Pan ]

bu·si·sì

png
1:
[Kap Tag] kabagalan sanhi ng labis na atensiyon
2:
Ana [ST] lambi ng balát sa uten
3:
[ST] salsal1 o pagsasalsál.

bu·si·síng

png |[ ST ]
:
busisi3 o pagbusisi, ngunit higit na malimit.

bu·si·yáw

png |Med |[ Bik ]