carbon
carbonado (kar·bo·ná·do)
png |[ Por ]
:
itim na uri ng diyamante na ginagamit na pambutas o pamputol.
carbon copy (kár·bon ká·pi)
png |[ Ing ]
1:
duplikado ng anumang bagay na isinulat o iminakinilya na ginagamitan ng carbon paper
2:
tao o bagay na kamukhangkamukha.
carbon dating (kár·bon déy·ting)
png |Kem |[ Ing ]
:
ang pagtiyak sa gúlang ng isang organikong bagay alinsunod sa proporsiyon ng mga carbon isotope na nilalamán nitó.
carbon dioxide (kár·bon dáy·ok·sáyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
gas (CO2) na walang kulay, walang amoy, hindi nasusunog, at nása atmospera.
carbonic acid (kar·bó·nik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
:
mahinàng acid, H2 CO3 na nabubuo kapag tinunaw ang carbon dioxide sa tubig.
carbon monoxide (kár·bon mó·nok·sáyd)
png |Kem |[ Ing ]
:
walang kulay, walang amoy, at nakalalasong gas (CO) na nabubuo mula sa hindi kompletong pagsunog ng carbon.
carbon paper (kár·bon péy·per)
png |[ Ing ]
:
papel na nababalutan ng solusyon ng carbon na inilalagay sa pagitan ng mga papel upang makagawa ng duplikado : KARBÓN2
carbonyl (kár·bo·níl)
png |Kem |[ Ing ]
:
compound na binubuo ng metal na may halong carbon monoxide, gaya ng nickel carbonyl.