count
count (káwnt)
png |[ Ing ]
1:
bílang2 o pagbibiláng
2:
tao na maharlika at may ranggong katumbas ng konde, countess kung babae.
counter (káwn·ter)
png |[ Ing ]
1:
mahabàng mesa o katulad na estrukturang pinagdarausan ng mga transaksiyon ng isang tindahan, bangko, at iba pa ; o ang anumang katulad na estruktura na ginagamit sa pagsisilbi ng pagkain at iba pa sa isang bar o kapeteriya
2:
tao o bagay na tagabílang.
counter signature (káwn·ter sig·néy·tsur)
png |[ Ing ]
:
panibagong lagda bílang garantiya sa bisà ng naunang lagda.
country music (kán·tri myú·sik)
png |Mus |[ Ing ]
:
estilo o uri ng popular na musika sa America na sinasaliwan ng malaki at may bagting na instrumento, nagmula sa katutubòng musika ng timog-silangan at musikang koboy ng Kanluran.