data
data (déy·ta, dá·ta)
png |[ Ing ]
:
dátos, anyong maramihan.
da·tà
png |[ ST ]
:
dumi sa kahit anong bahagi ng katawan ng tao.
dá·ta
png
:
hulog o pagbabayad ng unti-unting halaga.
data bank (déy·ta bangk)
png |Com |[ Ing ]
:
kalipunan o sanggunian ng mga datos.
database (déy·ta·béys)
png |Com |[ Ing ]
:
set ng datos na may estruktura.
data capture (déy·ta káp·tyur)
png |Com |[ Ing ]
:
aksiyon o proseso ng pagpapasok ng datos sa computer.
data glove (déy·ta glav)
png |Com |[ Ing ]
:
kagamitan na isinusuot, tulad ng guwantes, para sa pagmamanipula ng mga imahen sa virtual reality.
dá·tal
png
1:
[ST]
sang-ayon o pagsang-ayon
2:
[ST]
pagsalungat sa ibang tao, para siya ay maintindihan
3:
Ark
[Pan]
sahíg.
dá·tang
pnd
1:
[ST]
pagalitan ang isang tao upang makaintindi
2:
du·má·tang, i·dá·tang dumating.
data processing (déy·ta pró·se·síng)
png |Com |[ Ing ]
:
serye ng mga operasyon sa datos, hal pagkaklasipika ng impormasyon.
data processor (déy·ta pro·sé·sor)
png |Com |[ Ing ]
:
computer na nagsasagawâ ng data processing.
data protection (déy·ta pro·ték·syon)
png |Com |[ Ing ]
:
legal na kontrol upang hindi mabuksan ang datos na nása computer.
dá·tay
png
1:
[ST]
pamamalagi nang matagal sa pagkakahiga dahil sa karamdaman var rátay
2:
[ST]
paglalagay ng isang bagay sa sahig nang nakalapat ang lahat ng bahagi.