dorm


dorm

png |[ Ing ]
:
pinaikling dormitóryo.

dor·me·dán·yo

png |Zoo |[ Esp dormedanio ]
:
uri ng kamelyo (Camelus dromedarius ) na may isang umbok sa likod.

dor·mí·da

png |[ Esp dormir+ida ]
:
pag-túlog sa ibang bahay, hotel, at pansamantalang tiráhan.

dormitory (dor·mi·tó·ri)

png |[ Ing ]

dor·mi·tor·yá·na

png |[ Esp dormitariána ]
:
babaeng nakatirá sa dormitoryo, dor·mi·tor·yá·no kung laláki.

dor·mi·tór·yo

png |[ Esp dormitorio ]
1:
gusali, karaniwang nása unibersidad, na may mga pribado at semi-pribadong silid-tulugán : DORM, DORMITORY Cf BEDSPACE, HOSTEL
2:
paupahang silid-tulugan para sa maraming tao : DORM, DORMITORY

dor·mi·yén·te

pnr |[ Esp dormiente ]
1:
hindi aktibo o hindi nagbabayad ng butaw bílang kasapi ng samahán
2:
hindi ginagamit ; nakatinggal.