duo
duodecimo (dyú·wo·dé·si·mó)
png |[ Ing ]
1:
sukat ng páhiná, humigit-kumulang sa 12.55 sm x 18.75 sm
2:
aklat na may ganitong sukat.
duodenum (du·yó·de·núm)
png |Ana |[ Ing ]
:
unang bahagi ng bituka na nakakabit sa sikmura.
dú·ok
png |[ War ]
:
malapit na kamag-anak.
du·óm
pnd |du·mu·óm, du·o·mín, mag·du·óm |[ Ilk ]
:
ngumatngat ng bigas at iba pang butil.
dú·ong
png
1:
Ntk
prówa
2:
laro ng dalawang tao na magkahawak ang kamay at pinagsasaklit ang kanilang mga paa hábang magkaharap na nakaupô at paugoy-ugoy na tíla bangkang inaalon sa dagat.
dú·op
png |[ ST ]
:
paglalagay ng gatong sa apoy.
duotone (dyú·wo·tówn)
png |[ Ing ]
1:
sa paglilimbag, larawang halftone na may dalawang kulay mula sa orihinal at ginagamitan ng magkaibang iskrin
2:
proseso ng paggawâ nitó.