edisyon


e·dis·yón

png |[ Esp edición ]
1:
lahat ng pagkakalimbag ng isang aklat, pahayagan, at katulad na inilathala sa iba’t ibang panahon at naiiba sa bawat isa sa pamamagitan ng mga pagbabago, karagdagan, at iba pa : ED2, EDITION
2:
pangkalahatang kaanyuan ng inilathalang gawaing pampanitikan : ED2, EDITION
3:
buong bílang ng mga kopya ng aklat, pahayagan, at iba pang inilalathala sa isang panahon : ED2, EDITION Cf ISYU2, LABAS5
4:
partikular na bersiyon ng isang brodkast ng regular na programa : ED2, EDITION
5:
tao o bagay na hawig sa iba : ED2, EDITION