ego
ego (í·go)
png |[ Ing ]
1:
sa metapisika, tao na nag-iisip at may ganap na kamalayan : I3
2:
Sik
bahagi ng isip na tumutukoy sa indibidwalidad at tumutugon sa realidad
3:
kahalagahan ng sarili ; pagpapahalaga ng tao sa kaniyang sarili.
e·go·ís·mo
png |[ Esp ]
1:
teorya sa etika na nagbibigay-diin sa pansariling interes bílang batayan ng moralidad : EGOISM
2:
sistema ng pagiging makasarili : EGOISM
e·go·ís·ta
png |[ Esp ]
1:
tao na makasarili : EGOIST
2:
tagasulong ng metapisika ng ego o sarili : EGOIST
E·go·nút
png |Ant
:
isa sa mga pangkat etniko ng mga Ilongot.
e·gó·ti·ná
png |[ Esp ]
:
katas ng ergot, nagpapaampat ng pagdurugo sa loob ng katawan, at nagpapaurong sa bahay-batà.
e·go·tís·mo
png |[ Esp ]
1:
pagpuri sa sarili ; labis na pagpapahalaga sa sarili : EGOTISM
2:
pagiging makasarili : EGOTISM
3:
pagiging sakím : EGOTISM