i


I, i (i)

png
1:
tawag sa titik E
2:
Bio [Kap] ihì.

i

png |Mat
:
hakang square root ng minus one.

I, i

png
1:
ikasiyam na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ay
2:
pangwalong titik sa abakadang Tagalog at tinatawag na i : isa sa limang patinig ng alpabetong Filipino
3:
ikasiyam sa isang serye o pangkat
4:
pasulat o palimbag na representasyon ng I o i
5:
tipo, tulad ng sa printer upang magawâ ang titik I o i.

I (ay)

pnh |[ Ing ]

I

png |Mat
:
pamílang na Romano para sa isa.

I (ay)

symbol
1:
Kem iodine
3:
sa metapisika, ego1

I-ál·sas

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Iwak.

iambic (a·yám·bik)

pnr |Lit |[ Ing ]
1:
gumagamit ng iambus
2:
sa berso o tula, binubuo ng iambus.

iambus (a·yám·bus)

png |Lit |[ Ing ]
:
sa prosodiya, isang súkat na binubuo ng isang maikli o walang diing pantig at sinusundan ng isang mahabà o may diing pantig.

i·bá

png |[ Bik ]

i·bá

pnd |mag-i·bá, ma·ngi·bá, u·mi· bá
:
umalis ; pumunta sa ibang pook, gaya ng “mangibang bayan. ”

i·bá

pnr
:
hindi katulad ; hindi kauri : DIFFERENT, DIPERÉNTE, DISTINCT1, HÁWA, OTHER1, PANIBÁGO2 — pnd i·ba·hín, i·pa·i·bá, mag-i·bá, u·mi·bá.

i·bá

pnh
:
kumakatawan sa mga bagay bukod sa nabanggit na : ALIWÀ, ARÚM, LAÍN, OTHER1, SABÁLI, SALÁKAW, SAMBIDÀ, SANANÉY

i·bà

png |Bot |[ Kap Tag ]

í·ba

png
1:
Bot [Bik Hil Seb Tag] kamyás
2:
[Pan] kasáma.

Í·ba

png |Heg
:
kabesera ng Zambales.

i·bá·an

pnd |[ Ilk ]
:
sumiyap tulad ng inakáy.

i·ba·bâ

png |[ Bik Tag ]
1:
mababàng pook ; dakòng pababâ : LÉKSAB
2:
anumang nása ilalim.

i·bá·baw

png
1:
[Bik Hil Seb Tag] pinakataas na bahagi ng anuman : BÁBO, GÁMBAW, KAPORÓAN2, RÁBAW1, SAPÚT1, SIRIPINDÍYANG, TAPÉW, TOP1 var ngibábaw
2:
3:
Bot [Seb] punongkahoy (Cassia fistula ) na may katamtamang taas, mabango at matingkad na dilaw ang bulaklak na maraming itim na binhi sa ubod : BITSÚLA, LOMBÁYONG

I·bá·baw

png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa hilagang Samar.

I·ba·dóy

png |Ant Lgw
:
varyant ng Ibalóy2

í·bag

png pnr
3:
Bot [Mnb] kamyás.

i·bá-i·bá

pnr

i·bá·lay

png |Zoo |[ Bik Tag ]

I·ba·lón

png |[ Bik ]
1:
Heg tawag sa rehiyon ng Bicol var Ibalóng
2:
Lit pamagat ng matandang salaysay na hinihinuhang epikong-bayan ng Bicol.

I·ba·lóy

png
1:
Ant pangkating etniko na matatagpuan sa Itogon, Tuba, La Trinidád, Bokod, Baguio, at Atok sa lalawigang Benguet : IGODÓR Cf IGORÓT
2:
Lgw wika nitó : BENGUET2 var Ibadóy, Ibilóy

i·bán

pnr |[ Hil ]

í·ban

png |[ Hil War ]

I·ba·nág

png
1:
Ant pangkating etniko na matatagpuan sa Tuguegarao, Solana, Cabagan, at Ilagan sa lalawigan ng Cagayan at Isabela
2:
Lgw wika nilá var Ibannág

i·bá·ni

png |[ War ]

I·ban·nág

png |Lgw
:
varyant ng Ibanág.

Ibarra, Crisostomo (i·bá·ra kri·sós·to· mó)

png |Lit
:
pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere, edukado at mestiso, nagbalak magtayô ng paaralan nang magbalik sa Filipinas, ngunit naging biktima ng pang-uusig ng mga fraile na kaaway ng kaniyang amá at ng isa na may lihim na pagnanasà sa kaniyang kasintahang si Maria Clara.

Ibarra, Rafael (i·bá·ra ra·fa·él)

png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere, amá ni Crisostomo Ibarra.

i·bát

png |[ Pan ]

i·bát

pnd |[ Kap ]

i·bá’t i·ba

png |[ ibá+at ibá ]

í·baw

pnd |[ Ilk ]
:
pumalígid ; pumalíbot.

í·bay

png |[ Kap Tag ]
:
pagkahilo sanhi ng labis na pagnguya ng ngangà o pag-inom ng alak.

i·bá·yo

png
:
kabilâng panig ng ilog, batis, kanal, o iba pang daánan o espasyo.

i·bá·yo

pnr
:
doble o ilang ulit na nakahihigit, hal ibáyo ang tindi — pnd mag-i·bá·yo, pag-i·ba·yú·hin.

ib·bóng

png |[ Ilk ]
:
bugók na itlog

íb·bung

png |Zoo |[ Iba ]

íb·bung

pnr |[ Ilk ]

í·be

png |Med |[ Kap ]

í·beg

png |[ Pan ]

Iberia (i·bér·ya)

png |Heg |[ Esp ]
:
peninsula sa timog kanlurang Europe na binubuo ng España at Portugal.

ibex (áy·beks)

png |Zoo |[ Ing ]
:
alinman sa mga ilahas na kambing (genus Capra ) na may mahabà at kurbadong sungay, at matatagpuan sa kabundukan ng Asia, hilagang Africa, at Europa.

ib-íb

png
2:
piraso ng kahoy na tinabas ng paet Cf KATÁM, TAPYÁS

i·bíd

png |Zoo |[ Akl Hil Seb War ]

í·bid

daglat |[ Ing Lat ibidem “mula sa iisang pook” ]
:
mula sa katulad na sanggunian, ginagamit upang makatipid sa espasyo sa mga sanggunian ng isang siniping akda na nabanggit na sa naunang sanggunian.

í·big

png
1:
tao o bagay na napili, kasiya-siya, o tumutugon sa hilig at damdamin : ÁNAD, ÁNGAY1, BAYÀ3, BISÀ6, BURÎ, CHOICE2, ESSÉM2, GUSTÓ, HAMÓT2, LIKE, NÁIS, PÍTA1
2:
bagay na tinatangkang maabot o makamit : ÁNAD, ÁNGAY1, BAYÀ3, BISÀ6, BURÎ, CHOICE2, ESSÉM2, GUSTÓ, HAMÓT2, LIKE, NÁIS, PÍTA1 Cf ADHÍKA, LAYÚNIN, LUNGGATI, MITHÎ

i·bi·gán

png |[ ibig+an ]
:
pagpapakíta ng pagmamahal sa isa’t isa.

í·bil

png |Mus |[ Kal ]
:
awit ng isang namatayan, karaniwang nauukol sa kapayapaan ng kaluluwa at paghingi ng tulong at patnubay para sa namatay.

i·bí·law

png |Bot

-ibility (i·bí·li·tí)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng mga pangngalan na kaayon ng mga pang-uri sa anyong -ible, hal possibility, credibility.

I·bi·lóy

png |Ant Lgw
:
varyant ng Ibalóy2

i·bi·ngán

png |Zoo |[ Bik War ]

ibis (áy·bis)

png |Zoo |[ Ing ]
:
ibon (family Threskiornithidae ) na malakí, mahabà, at nakakurba ang tuka, at mahabà ang leeg at paa.

i·bís

png
1:
pagbabâ mula sa sasakyan : ASSITÁY
3:
pagtulong sa pagbabâ ng sunong o pasan
4:
kaginhawahan mula sa anumang kahirapan.

í·bis

png |Zoo
:
isda (genus Carassius ) na pinilakan ang katawan.

i·bís·pu·lá

png |Zoo |[ Mrw Sam Tau ]

í·bit

png |[ Ilk ]
:
iyak ng batà.

i·bí·ye

png |[ Kap ]

-ible (i·ból)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng mga pang-uring nangangahulugan na maaari, hal possible, compatible.

-ibly (ib·lí)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng mga pang-abay na kaayon sa mga pang-uring nása anyong -ible, hal possibly, affordably.

i·bô

png
:
pinaikling anyo ng kibô2

í·bo

png |[ Ilk ]
:
hibla sa uhay ng palay.

í·bog

png |[ Seb ]
1:
pagkaakit ; pagkabighani

í·bok

png
1:
pag-aalaga sa mga inakay
2:

í·bol

png
:
mabagal na paglalakad.

I·bo·máng·gi

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Iwak.

í·bon

png
1:
Zoo hayop (class Aves ) na mabalahibo, may tuka, may dalawang pakpak, at makaliskis ang mga paa : AYÚP, BÍLLIT2, BIRD, ÍBBUNG, LÁNGGAM, MAMMÁNU, MÁNOK, MÁNOK-MÁNOK2, MANO-MANÓK, MÁNUK2, PAPÁNOK, PÍSPIS1 Cf TÁMSI
2:
isa sa dalawang mukha ng barya, ang panlikod, at ginagamit sa larong kara-krus, kappô, at katulad
3:
Kol tawag sa titi ng batàng laláki.

i·bóng

png |[ Bik ]

Í·bong A·dár·na

png |Lit
:
korído na tumatalakay sa búhay at karanasan ni Don Juan sa paghahanap sa ibong adarna.

í·bong mán·da·ra·gít

png |Lit |[ ibon+ na mang+da+dagit ]
:
ibon na pumapatay o kumakain ng maliliit na hayop, hal lawin, agila, o buwitre.

í·bong pá·re

png |Zoo |[ ibon+na pare ]
:
ibon (Lalage nigra chilensis ) na kulay abuhin at may balahibong sudsod sa gawing tuka, karaniwang nanginginain ng mga kulisap at maliliit na bunga : BUGAÚNGON, PIED TRILLER, SALÁKSAK

i·bón-i·bú·nan

png |[ ibon-ibon+an ]
1:
Bot mabalahibong palumpong (Rhinacanthus nasutus ) na napagkukunan ng rhinacantin
2:
laruan o anumang itinulad sa anyo ng ibon.

í·bos

png
1:
Bot bulé
2:
[Bik Hil Seb] suman sa ibos1

í·bot

png
1:
búnot o pagbunot
2:
Alp tawag sa tao na maitim ang balát.

í·boy

png |[ ST ]
:
pagkulô ng likido kapag pinaiinitan.

ib·pá

png |[ Kap ]

ib·sán

pnd
:
tinípil na ibisan.

Í·bu

png |Mit |[ Mnb ]
:
reyna ng mundo ng mga namatay.

í·bug

png
1:
gána1 karaniwan kung kumakain
3:
[Hil] úhaw.

I·bú·lus

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Apayaw.

ibuprofen (ay·byú·pro·fén)

png |Med |[ Ing ]
:
putîng pulbos na substance (C13H18O2) na pampamanhid at pampaalis ng lagnat o pamamaga ng sugat.

i·bú·tod

png |[ i+butod ]
:
pinakaloob, gitna, kalaliman, o pinakasentro Cf ÚBOD

ib·wáw

png |Zoo |[ Iva ]

-ical (i·kál)

pnl |[ Ing ]
1:
pambuo ng pang-uri na kaayon sa pangngalan o pang-uri, karaniwan sa anyong -ic, hal classical, comical
2:
pambuo ng pang-uri na kaayon ng mga pangngalan sa anyong y, hal pathological.

-ically (i·kal·lí)

pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pang-abay na kaayon ng mga pang-uri sa anyong -ic o -ical, hal musically, comically.

Icarus (í·ka·rús)

png |Mit |[ Ing ]
:
anak ni Daedalus na tumakas mula sa laberinto sa pamamagitan ng paglipad, ngunit bumagsak at namatay nang matunaw ang pakpak na pagkítdahil sa tindi ng sikat ng araw.

ICBM (ay·si·bí·em)

daglat |[ Ing ]
:
Intercontinental Ballistic Missile.

ice (ays)

png |[ Ing ]

iceberg (áys·berg)

png |Heo |[ Ing ]
:
malakíng tipak ng yelo mula sa natibag na glacier at inanod sa dagat.

icebox (áys·baks)

png |[ Ing ]
:
kahong karaniwang yarì sa styrofoam na pinagsisidlan ng pira-pirasong yelo.

ice bucket (áys bá·ket)

png |[ Ing ]
:
sisidlan ng pira-pirasong yelo.

ice cold (áys kold)

pnr |[ Ing ]
:
kasinlamig ng yelo ; nagyeyelo.

ice cream (áys krim)

png |[ Ing ]

ice creamer (áys krí·mer)

png |[ Ing ]
:
kasangkapang ginagamit sa paggawâ ng sorbetes : GARÁPINYÉRA2

ice drop (áys drap)

png |[ Ing ]
:
minatamis na yelong may pampalasa, pampakulay, at hawakang patpat.