este


és·te

png |[ Esp ]

És·te!

pdd
:
“Siya nga pala! ”

es·té·la

png |[ Esp ]
:
palatandaan o alon ng tubig o hanging likha ng pagdadaan ng sasakyang-dagat o panghimpapawid.

es·té·no

png |[ Esp ]
:
pinaikling tawag sa estenograpíya.

es·te·no·gra·pí·ya

png |[ Esp estenografía ]
:
pagsusulat sa pinaikli at pinabilis na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolo : SHORTHAND, STENOGRAPHY, TAKÍGRAPÍYA, TACHIGRAPHY Cf ESTÉNO

es·te·nó·gra·pó

png |[ Esp estenógrafó ]
:
tao na nakasusulat ng estenograpiya : TAKIGRAPÓ, STENOGRAPHER, TACHIGRAPHER

es·te·nó·sis

png |Med |[ Esp ]
:
pagliit at pagkipot ng bútas, hal ng bituka at iba pa.

és·ter

png |Kem |[ Ing ]
:
compound na resulta ng reaksiyon ng alkohol sa asido.

És·ter

png |[ Esp ]

es·té·re·ó

png |[ Esp estereo ]

es·té·re·ó·grá·pi·kó

pnr |[ Esp estereografico ]
:
hinggil sa o may kaugnayan sa estereograpiya : STEREOGRAPHIC

es·té·re·ó·gra·pí·ya

png |[ Esp estereografia ]
:
sining ng paglalarawan ng solid sa plane sa pamamagitan ng mga linya : STEREOGRAPHY

és·te·ríl

pnr |[ Esp ]

és·te·ri·li·dád

png |[ Esp ]
1:
pagiging baóg
2:
pagiging payak.

és·te·ri·li·sá·do

pnr |[ Esp esterilizado ]
1:
pinakuluan sa tubig : STERILIZED
2:
sumailalim sa operasyon para hindi magkaanak : STERILIZED

es·te·ri·li·sa·dór

png |[ Esp estilizador ]
1:
kasangkapan o pamamaraan upang ang isang bagay ay mawalan ng dumi, bakterya, o mikrobyo : PAMÁOG2, STERILIZER
2:
kasangkapan o pamamaraan upang mawalan ng kakayahang bumúhay ng haláman ang isang lupain : PAMÁOG2, STERILIZER

es·te·rí·li·sas·yón

png |[ Esp esterilizacion ]
1:
paraan upang ang isang bagay ay mawalan ng bakterya o ibang buháy na organismo : STERILIZATION
2:
paraan upang ang isang tao o hayop ay mawalan ng kakayahang magkaanak, karaniwang sa pamamagitan ng pagtanggal o pagbabará sa organong pang-sex : STERILIZATION

es·ter·lín

png |[ Esp ]
:
pinong bukarán.

es·ter·lí·na

png pnr |[ Esp ]

és·ter·nón

png |Ana |[ Esp ]

es·té·ro

png |[ Esp ]
1:
daluyan ng tubig na pinagtatagpuan ng taog at ng ilog : ESTUARY2, KUWÁLA
2:
malakíng kanal, malimit iugnay sa barado, maputik, at mabahòng daluyan : ESTUARY2, KUWÁLA

es·té·ti·ká

png |[ Esp estetica ]
1:
Pil sangay ng pilosopiya na nagbubuo ng simulain at pamantayan ng kagandahan sa sining at kalikasan ; o ang gayong teorya o simulain : AESTHETICS
2:
Sin teorya at paglalarawan ng emosyonal at intelektuwal na tugon sa kagandahan : AESTHETICS

es·té·ti·kó

pnr |[ Esp estetico ]
:
may kaugnayan sa estetika : AESTHETIC

és·te·tos·kóp·yo

png |Med |[ Esp estetoscopio ]
:
instrumentong ginagamit ng doktor upang marinig ang tunog sa loob ng katawan, lalo na sa puso o bagà : ISTÉTOSKÓP, STETHOSCOPE var istetoskopyo