fire
fire alarm (fayr a·lárm)
png |[ Ing ]
:
kasangkapan na nagbibigay ng babalâ kung may sunog.
firearm (fayr·árm)
png |[ Ing ]
:
baríl, lalo na ang pistola o riple.
fire drill (fayr dril)
png |[ Ing ]
:
pagsasánay ng mga gagawin kung may sunog.
fire eater (fayr í·ter)
png |[ Ing ]
1:
salamangkero na nagkukunwaring kumakain ng apoy
2:
tao na mahilig makipag-away.
fire engine (fayr én·dyin)
png |[ Ing ]
:
trak ng bombero.
fire escape (fayr es·kéyp)
png |[ Ing ]
:
daanan palabas kapag may sunog.
fire fern (fayr fern)
png |Bot |[ Ing ]
:
maliit na palumpong (Oxalis hedysaroides ), kulay morado ang dahon, may mahabàng tangkay, at may bulaklak na dilaw, katutubò sa Venezuela, Columbia, at Ecuador, at ipinasok ang cul-tivar noong dekada 50 sa Filipinas.
fireman (fáyr·man)
png |[ Ing ]
1:
2:
tagapag-alaga ng pugon ng isang bapor o ang namamahala sa mga mákiná ng isang barko sa US navy.
fireplace (fáyr·pleys)
png |Ark |[ Ing ]
:
dapugang may tsiminea.
fire power (fayr pá·wer)
png |[ Ing ]
1:
mapaminsalang lakas ng baril at iba pa
2:
kakayahang pinansiyal, intelektuwal, o emosyonal.
fireproof (fayr·prúf)
pnr |[ Ing ]
:
hindi tinatablan ng apoy o matinding init.
fire station (fayr is·téy·syon)
png |[ Ing ]
:
himpilan ng bombero.
fire trap (fáyr trap)
png |[ Ing ]
:
gusaling madalîng masunog o walang maayos na labásan sakaling masunog.
firework (fáyr·work)
png |[ Ing ]
1:
produktong naglalamán ng madalîng magningas na kemikal na lumilikha ng pagsabog o kahanga-hangang epekto Cf PAPUTOK
2:
bugso ng damdamin, lalo na ng gálit
3:
pagtatanghal ng talino.