flu
fluctuate (flák·tyu·wéyt)
pnd |[ Ing ]
1:
tumaas bumabâ
2:
magpabago-bago ; magpaiba-iba.
fluency (flú·wen·sí)
png |[ Ing ]
1:
dulas at gaan ng daloy, lalo na sa pagsasalita o pagsusulat
2:
tatas at husay sa wika.
fluent (flú·went)
pnr |[ Ing ]
:
matatás magsalita ; mahusay sa wika.
fluid (flú·wid)
pnr |[ Ing ]
1:
may kakayahang dumaloy : FLÚWIDÓ
2:
kaugnay o binubuo ng mga fluid : FLÚWIDÓ
3:
madalîng magbago ; hindi matatag : FLÚWIDÓ
fluid (flú·wid)
png |[ Ing ]
fluke (fluk)
png |[ Ing ]
1:
suwerteng pagkakataon
2:
Zoo
parasitong uod (class Trematoda )
3:
Ntk
malapad at patatsulok na bahagi ng kawit ng angkla.
flunk (flangk)
pnd |[ Ing ]
1:
bumagsak o ibagsak, gaya sa pagsusulit
2:
mabigo ; sumuko.
fluorescence (flo·ré·sens)
png |Pis Kem |[ Ing ]
1:
bugá ng radyasyon, lalo na ng nakikítang liwanag ng isang substance kapag nalantad sa panlabas na radyasyon, gaya ng x-ray
2:
katangiang taglay ng isang substance na may kakayahan sa pagbugá
3:
ang radyasyong ibinubuga o inilalabas.
fluorescent (flo·ré·sent)
pnr |[ Ing ]
:
may fluorescence.
fluorescent lamp (flo·ré·sent lamp)
png |[ Ing ]
:
hugis túbong de-koryenteng ilaw na ang liwanag ay nalilikha sa pamamagitan ng fluorescence ng pahid ng phosphor sa loob ng túbo.
fluoridate (fló·ri·déyt)
pnd |[ Ing ]
:
lagyan ng fluoride ang tubig.
fluoridation (fló·ri·déy·syon)
png |[ Ing ]
:
paglalagay ng fluoride sa inuming tubig upang maiwasan o maibsan ang pagkasirà ng ngipin.
fluoride (flú·rayd)
png |Kem |[ Ing ]
:
binary compound ng flourine.
fluorine (flo·rín)
png |Kem |[ Ing ]
:
pinakareaktibong element na di-metaliko, nakalalason, at nakaaagnas (atomic number 9, symbol F ).
flush (flas)
png |[ Ing ]
1:
2:
3:
bigla at mabilis na agos ng tubig
4:
biglang pag-init ng pakiramdam
5:
hawak na mga barahang gáling lahat sa iisang set, lalo na sa poker.
flush (flas)
pnd |[ Ing ]
1:
mamulá ; maging mapulá
2:
linisin sa pamamagitan ng ragasa ng tubig
4:
patagin, pantayin.
flush (flas)
pnr |[ Ing ]
:
saganà, lalo na sa salapi.
fluvial (flúv·yal)
pnr |[ Ing ]
:
nása ilog ; may kaugnayan sa ilog.
flux (flaks)
png |[ Ing Lat ]
1:
proseso ng pag-agos
2:
paglabas o pagpapalabas
3:
patuloy na pagbabago
4:
substance na hinaluan ng metál o iba pa
5:
Pis
proporsiyon ng agos ng anumang fluid sa isang hatag na area ; dami ng fluid na dumadaloy sa isang area sa isang hatag na panahon
6:
Pis
dami ng radyasyon sa isang area sa isang hatag na panahon
7:
Ele
kabuuang electric o magnetic field na dumadaloy sa isang rabaw
8:
Med
abnormal na paglabas ng dugo o dumi mula sa katawan.