galaw
ga·láw
png
1:
[Pan Tag]
kílos
2:
masining na pagkilos o pagganap ng isang artista kung umaawit, nagsasayaw, o nagsasalita
3:
paghawak o paghipo na hindi kailangan : LIKÓT4
4:
[Pan Tag]
birò1
5:
Kol
umít
6:
pagkakaroon ng seksuwal na karanasan — pnr na·ga·láw — pnd ga·la·wín,
gu·ma·láw.
gá·law
png
1:
[ST]
mga harang ng kandado at pinto
2:
[Pan]
tinik na inilalagay sa mga punò upang hindi maakyatan.
ga·la·wád
png |[ ST ]
1:
pagtataas o pag-iinat ng mga bisig
2:
dalahing nakapatong sa mga bisig Cf SANGGALAWÁD
ga·lá·wan
png |[ ST ]
1:
sisidlang may takip
2:
Agr
lupain na maaaring tamnan ng iba’t ibang bagay
3:
anumang bagay na ginagamit na panlibang sa mga batà : HUGÉTE
ga·lá·wang
png |[ ST ]
:
iwagwag ang kamay.
ga·law·gáw
png
:
nakakikiliting pakiramdam sa talampakan var gilawgáw
ga·la·wíd
png
1:
anumang uri ng insidente o okasyon
2:
bagay na naging dahilan ng pagkahulí.
ga·la·wír
png |[ ST ]
:
anumang hawakán.
ga·lá·wit
pnr |[ ST ]
:
hindi makasugat o makasakít.