galis


ga·lís

png |Med |[ Kap Tag ]
:
sakít sa balát na likha ng maliliit na kulisap o kagaw : DÚLDOL1, GÁDDIL, GIRÍ1, NUKÁ — pnr ga·lí·sin ma·ga·lís.

ga·lís-á·so

png |Med |[ galís+áso ]
:
sakít sa balát ng áso na nanlalágas ang balahibo at may maliliit na sugat : BALÁNGAS1, GALÍS-NA-TIMÁK, ILÍG1

ga·lís-ma·má·so

png |Med |[ galís+ma-maso ]
:
galis na lumalakí at nangangapal ang mga gilid, at karaniwang nag-iiwan ng maiitim na peklat kung gumalíng.

ga·lís-ná-ti·mák

png |Med |[ ST ]