gastro
gás·tro·in·tés·ti·nál
pnr |Med |[ Esp gastrointestinal ]
:
may kaugnayan sa pamamagâ ng tiyan at mga bituka.
gás·tro·lo·hí·ya
png |Med |[ Esp gastrologia ]
:
pag-aaral ng kayarian, gámit, at mga sakít ng mga bituka at sikmura : GÁSTROLODYÍ
gás·tro·nó·mi·ká
png |[ Esp gastronómica ]
:
agham o sining sa pagluluto o paghahanda ng pagkain.
gás·tro·no·mí·ya
png |[ Esp gastronomía ]
1:
agham o sining ng mabuting pagkain
2:
estilo o kaugalian ng pagluluto o pagkain.
gás·tros·kóp
png |Med |[ Ing gastroscope ]
:
instrumentong ginagamit sa pagsusuri ng loob ng bituka.
gás·tro·to·mí·ya
png |Med |[ Esp gastrotomia ]
:
operasyon ng pagputol sa bahagi ng bituka.