ginhawa
gin·há·wa
png
1:
Pil Sik
[ST]
ang mithing kalagayan ng tao kapag walang kapansanan o malusog ang katawan, walang masamâng ugali o malinis ang puso, walang ligalig o maganda ang kabuhayan o pamumuhay, at walang hanggahan o hindi natatakdaan ng gulang, kasarian, lahi, yaman, pinag-aralan, at anumang pag-uuri ang pagsulong sa búhay
2:
ang langit sa lupa
3:
di-karaniwang gaan ng katawan : EASE1
4:
kasiya-siyang pakiramdam dahil gumalíng ang sugat o sakít ; nalutas ang suliranin ; maayos ang anumang suot o gamit ; o nakamit ang nais : ALÍBYO
5:
kalayaan sa anumang pangangailangan : EASE1
6:
pagtatamasa ng aliw at layaw — pnr ma·gin·há·wa
7:
[Bik Hil Seb]
hiningá1 o paghinga
8:
[Hil]
pagkain
9:
[Hil]
gana sa pagkain
10:
Zoo
[Seb War]
bituka ng hayop.