Diksiyonaryo
A-Z
haplas
hap·lás
png
1:
[ST]
langis na hinaluan ng iba’t ibang sangkap laban sa lason
2:
[ST]
isang bagay na malî ang pagkakagawâ, tulad ng haplas na pagkakatalî
3:
[ST]
akto ng paghimas sa bahaging masakît
4:
Med
[Bik Hil Seb]
pagpapahid ng gamot sa bahagi ng katawang may karamdaman
Cf
HAPLÓT
,
HÍLOT
,
PÚNAS
háp·las
png
|
[ Bik Seb ]
:
haplós.