hen
hen
png |Zoo |[ Ing ]
:
babaeng ibon, lalo na ang domestikado.
he·ne·a·ló·hi·kó
pnr |Kas |[ Esp genealógico ]
:
hinggil sa henealohiya.
he·ne·a·lo·hís·ta
png |Kas |[ Esp genealogista ]
:
tao na nananaliksik sa pinagmulan ng isang angkan.
he·ne·a·lo·hí·ya
png |Kas |[ Esp genealogía ]
:
kasaysayan ng pinagmulan ng mga ninuno ng isang angkan : GENEALOGY,
TALAANGKÁNAN
he·ne·rá·la
png |Mil |[ Esp generala ]
:
asawa ng heneral ; babaeng heneral.
he·ne·ra·lá·to
png |Mil |[ Esp generalato ]
:
mga heneral o hanay ng mga heneral.
he·ne·ra·li·dád
png |[ Esp generalidad ]
:
opinyon o panukala na nagtatangkang saklawin ang lahat ng bagay o katotohanan.
he·ne·ra·li·sá
pnd |he·ne·ra·li·sa·hín, mag·he·ne·ra·li·sá |[ Esp generalizar ]
:
lahatín ; saklawing lahat.
he·ne·ra·li·sá·do
pnr |[ Esp generalizado ]
:
nilálahát ; sinaklaw o sinasaklaw lahat.
he·ne·ra·tí·ba
pnr |[ Esp generativa ]
:
may kakayahang magbuo at magparami, he·ne·ra·tí·bo kung panlaláki.
he·né·ri·kó
pnr |[ Esp genérico ]
:
katangian ng isang bagay na hindi naiiba sa karamihan.
Hé·ne·sis
png |[ Esp génesis ]
:
ang unang aklat sa Bibliya na nagsasaad ng kasaysayan ng paglikha ng sansinukob at sangkatauhan : GENESIS
he·ne·ti·ká
png |Bio |[ Esp genética ]
:
sangay ng biyolohiya ukol sa pag-aaral ng heredity at varyasyon ng mga organismo : GENETICS
he·ne·ti·kó
pnr |Bio |[ Esp genetico ]
:
hinggil sa henetika.
hén·na
png |[ Ing Ara hinna ]
1:
Bot
halámang tropiko (Lawsonia inermis ) na may mabangong pulá o putîng bulaklak sa dulo ng sanga
2:
puláng tina mula sa dahon nitó na gamit sa buhok.
henry (hén·ri)
png |Ele |[ Ing ]
:
yunit na metro-kilogramo-segundo ng inductance, katumbas ng isang sirkito kapag ang daloy ng koryente na isang volt ay nalilikha ng isang current sa sirkito na nagbabago sa bilis na isang ampere bawat segundo (symbol H ).
hen·si·yá·na
png |Bot |[ Esp genciana ]
:
haláman (genus Gentiana ) na pinagkukunan ng tinàng may gayong kulay, karaniwang may asul, putî, pulá, at dilaw na mga bulaklak : GENTIAN
Hen·tíl
png |[ Esp gentil ]
:
tao na hindi kabílang sa lahing Jew, isang paraan noon upang ibukod ang Kristiyano sa Jew Cf PAGÁNO
he·nu·plek·si·yón
png |[ Esp genuflexión ]
:
antanda o pag-antandâ.