hilam


hí·lam

png
1:
mantsa sa balát, kadalasan sa mukha
2:
pananakít ng matá dahil sa usok o singaw : SÍLAM1
3:
pagiging labusáw ng tubig.

hi·la·mán

png |[ ST ]
1:
paglabò ng paningin
2:
langis na malapot.

hi·lam·bót

pnd |hu·mi·lam·bót, mag·hi·lam·bót |[ ST ]
:
bumili nang bumili ng damit.

hi·la·món

png |Agr |[ ST ]
:
pagbubunot ng damo sa paligid ng tanim na gulay.

hi·lá·mon

png |Bot |[ Hil ]

hi·lá·mos

png |[ Seb Tag ]
:
paglilinis ng mukha o bahagi nitó sa pamamagitan ng kamay na inilubog lámang sa tubig : ÁMLOY, HAPLÓT, IMÙ, NIMÙ var dirám-os, hilám-os, hirám-os Cf HÍNAW, HÚGAS

hí·la·mú·san

png |[ hilamos+an ]
1:
anumang maaaring gawing lalagyan ng tubig na panghilamos
2:
sabay-sabay na paghuhugas ng mukha
3:
pahirin ang dumi sa mukha.

hi·la·mus·mós

pnr |[ ST ]
:
parang batà ang pag-iisip.