host


host (howst)

png |[ Ing ]
1:
tao na tumatanggap at umaasikaso sa panauhin, hostess kung babae
2:
Bio hayop o haláman na biktima ng parasito o organismong komensal
3:
anawnser ng programang panradyo o pantelebisyon

hostage (hós·teyds)

png
1:
pagbihag sa isang tao upang ipagpalit sa kalayaan o kayâ’y salaping pantubos
2:
ang tao na bihag sa ganitong krimen.

hós·tel

png |[ Ing ]
:
bahay o gusali na nagdudulot ng murang pagkain at tirahan para sa isang pangkat ng tao gaya ng estudyante, manggagawa, o biyahero Cf DORMITÓRYO

hós·tes

png |Kol |[ Ing hostess ]
1:
babaeng bukod sa pagsisilbi ng pagkain ay maaasahang umaliw sa kustomer, lalo na sa mga restoran o bahay-aliwan kung gabi : KABARETÍSTA3, RECEPTIONIST2, WEYTRES2 Cf WAITER, WAITRESS

hostess (hóws·tes)

png |[ Ing ]
1:
babaeng tumatanggap sa panauhin, malimit ang maybahay
2:
babaeng nagsisilbing tagaaliw sa isang naytklab.

hostile (hós·til)

pnr |[ Ing ]
1:
pakikitúngo sa kaaway
2:
lantarang salungat o nagtatanggol.

hostility (hos·tí·li·tí)

png |[ Ing ]
1:
pagiging hostile
2:
kondisyong pandigmaan