index


index (ín·deks)

png |[ Ing ]
1:
listahan ng mga pangalan, paksa, at iba pa na paalpabeto ang pagkakasunod-sunod, may kasámang mga sanggunian, at karaniwang matatagpuan sa hulihan ng aklat
2:
anumang may katulad na pagsasaayos
3:
Mat exponent ng isang bilang
4:
index number
5:
index card.

index card (ín·deks kard)

png |[ Ing ]
:
kard na karaniwang maliit, ginagamit sa pagtatalâ ng mga impormasyon : ÍNDEX5

In·dex Li·bró·rum Pro·hi·bi·to·rum

png |[ Lat ]
:
sa simbahang Katolika, opisyal na listahan ng mga aklat na ipinagbabawal ng simbahan na basahin, maliban lámang sa mga edisyong naglalamán ng pagwawasto ukol sa moralidad o pananampalataya.

index number (ín·deks nám·ber)

png |[ Ing ]
:
bílang na nagpapakíta ng pagkakaiba-iba ng mga presyo o sahod sa isang tiyak na panahon : INDEX