isi


i·sí

png |[ ST ]

i·sì

png |Agr |[ ST ]
:
paglilipat ng punla.

í·si

png |[ Hil Seb War ]

í·si

pnd |[ Bik ]

I·si·ás

png |[ Esp Heb ]
1:
isang pangunahing propeta noong ika-8 siglo bago sa panahon ni Cristo : ISAIAH
2:
sa Bibliya, aklat na tinataglay ang kaniyang pangalan : ISAIAH

í·sid

pnr |Say |[ War ]
:
sa ballet, nakatingkayad na pag-ikot hábang nagsasayaw : PIROUETTE

í·sig

png
:
kapangyarihan ng isip at lakas ng kalooban na magpasiya at isakatuparan ang isang bagay Cf KALOÓBAN, WILL

í·sil

png
:
paghawak nang marahan Cf PISÍL — pnd i·sí·lin, mang-í·sil.

i·sín

png |[ Ilk ]

i·si·na·rà

pnr |[ Tau ]
:
hitik sa kasamaan.

i·si·na·ú·lo

pnr |[ isina+ulo ]

I·sí·nay

png |Ant
:
pangkating etniko na matatagpuan sa bahagi ng Lambak Magat sa Nueva Viscaya : INMÉYAS

í·sing

png
:
kumot na kulay itim at mula sa China.

i·si-ngí·pin

png |Bot

i·si·pán

png
:
patpat na pamilang.

i·sí·pan

png |[ isip+an ]
:
pakultad ng isip.

Isis (áy·sis)

png |Mit |[ Ing ]
:
diyosa ng kalikasan ng Ehipto, asawa ni Osiris, at ina ni Horus.

i·sís

pnd |i·si·sán, i·si·sín, mag-i·sís
:
maglinis sa pamamagitan ng dahon ng isis ; magliha.

is-ís

pnd |is-i·sín, mag-is-is |[ ST ]
:
kinisin sa pamamagitan ng pagkiskis : AS-ÁS

i·sís

png |Bot |[ Kap Hil Seb Tag ]
:
palumpong (Ficus ulmifolia ) na magaspang ang dahong ginagamit na panlíha : AGUSÁHIS2, ALÁSAS, ÁPLAS2, APLÎ, AS-ÍS

í·sis

png
1:
Zoo [Iva] kaliskis ng isda
2:
[Bik] pagiging sakím.

ís-is

pnr |[ Seb ]

i·sís-ku·líng

png |Bot
:
isís na may dahon, at may bunga na matigas, magaspang, at mabutó.

i·síw

png |Zoo |[ Akl ]