isp
is·pa·gé·ti
png |[ Ing spaghetti ]
:
pastang Italiano, putî, gawâ sa mahabàng hibla, pinakukuluan, at isinisilbing may karne, kamatis, o iba pang sarsa. .
is·pék·trum
png |[ Ing spectrum ]
:
ang mga kulay at iba pang sinag ng liwanag na pinaghihiwalay ng repraksiyon sa pamamagitan ng prism : ESPÉKTRO
is·pí·ker
png |[ Ing speaker ]
1:
Pol
pinakapangulo ng mababàng kapulungan
2:
tao na nagsasalita sa isang pagtitipon
3:
aparatong elektrikal na nagpapalakas ng tinig o tunog
is·plít
pnd |is·pli·tán, mag-is·plít, u·mis· plít |[ Ing split ]
1:
umalis ; kumalas sa samahan
2:
maghati sa pera o ari-arian
4:
sa himnasya o sayaw, lumundag sa eyre o bumagsak nang nakalatag nang tuwid ang dalawang paa at nása anggulong rekto ng katawan, nása likod ang isa at nása harap ang kabilâ.
is·pórt
png |[ Ing sport ]
:
atletikong gawain na nangangailangan ng kasanayan, kakayahan, at pisikal na lakas, karaniwan sa kalagayang pakikipagtunggali, gaya ng beysbol, wrestling, karera, at iba pa : DEPÓRTE,
PÁLAKÁSAN2
is·pórt
pnr |[ Ing sport ]
:
marangal at maginoo sa pakikipagtunggali sa anumang paligsahan ; marunong tumanggap ng pagkatalo.
is·pórts·man
png |[ Ing sportsman ]
1:
tao na naglalaro ng isport, lalo na kung propesyonal
2:
tao na nagpapamalas ng katangiang manlalaro, hal “marangal na pagtang-gap ng pagkatalo”.
is·préd
png |[ Ing spread ]
:
anumang ipinapahid na palaman, lalo na sa sandwits — pnd i·is·préd,
i·nis·préd,
mag-is·préd.
is·préy
png |[ Ing spray ]
2:
likidong pambomba ng lamok
3:
maliit na sangang may dahon at bulaklak : SPRAY
4:
kumpol ng bulaklak na inayos.