kalaha


ka·la·hà

png |[ Hil Seb Esp carajay ]

ka·lá·han

png
1:
Zoo [ST] balát o talu-kab ng pagong at katulad
2:
Bot [ST] marumi at medyo nabubulok na palay
3:
Zoo [ST] tandang na iba-iba ang kulay ng kaliskis sa paa
4:
[Bik] Zoo uri ng pawikan.

ka·la·ha·rán

png |[ ST ka+lahad+an ]
:
pagiging payak sa anyo at sa asal.

ka·la·ha·tì

png |[ kala+hati ]
:
isa sa dalawang magkapantay at magka-timbang na bahagi ng anumang bagay na buo : half, kagitnâ1, kagudduwa, kapal-duwá, kapitnâ, katungâ, médya2, sukò5, tungâ3 Cf kabiyák, kabaák — pnd i·ka·la·ha·tì, ma·nga·la·ha·tì.

ka·la·ha·tì·an-ng-bu·wán

png |[ kalahati +an-ng-buwan ]
1:
Asn anyo ng bu-wan kapag kalahati ng mukha nitó ang nasisinagan ng araw : half-moon, medyalúna1
2:
panggitnang araw, karaniwang ikalabinlima sa loob ng isang buwan ng kalendaryo.

ka·la·háy

png
1:
[ST] mithî1
2:
[ST] hiyáw
3:
[Esp carajay] kawalì.