kalut


ka·lút

png |Bot |[ Kap Tag ]

ka·lu·táng

png |[ Hil Seb Tag ]
1:
dala-wang tikin ng kawayan na ginagamit sa tinikling Cf tibúhos
2:
Mus dala-wang patpat ng kahoy na ipinapalò sa isa’t isa upang makalikha ng tunog.

ka·lu·tá·san

png |[ ka+lutás+an ]
:
isang paraan ng pagsagot o pagtapos sa isang suliranin : lúnas3, solusyon, solution1

ka·lut·kót

pnd |ka·lut·ku·tín, mag·ka· lut·kót
:
magsaliksik sa baul o aparador ; guluhin ang nakaayos na gamit.

ka·lut·kót

png |[ Bik Tag ]
1:
tunog ng mahinàng kamot o galmos
2:
pagsilip sa nilalamán ng kahon o anumang katulad na nakalilikha ng mahinàng tunog Cf kaluskós, halikwát