nami


na·mì

png |[ Hil ]

na·mî

png |Bot
:
halámang baging (Dioscorea hispida ) na may lamán na maaaring kaínin ngunit nakalalason kapag hindi mabuti ang pagkakaluto : KÁLOT2, KALÚT, KARÓT3, KÁYOS, MAMÓ var lamî3

ná·min

pnh
1:
panghalip panaong maramihan, nása unang panauhan at nása kaukulang paari, at kumakatawan sa ngalan ng mga táong nagsasalita na nag-aari, kinauukulan ng bagay, gawain at pangyayaring binabanggit, at hindi saklaw ang kausap
2:
nagpapahayag ng tagaganap ng pandiwa kung hindi ito ang simuno ng pangungusap, hal Ginawâ namin.

ná·mi-ná·mi

png |[ ST ]
:
pagkadesmaya dahil hindi makapagluluto nang maayos para sa isang tao.

na·míng·hoy

pnr |[ Seb ]

ná·mit

png
1:
[Bik] lása1-2
2:
[Hil] saráp1