kundi


kun·dî

pnu
:
maliban sa ; maliban kay, hal “Walang natirá kundi siya.”

kúnd·i

png |[ Mrw ]
:
takoreng gawâ sa tanso.

kun·di·lát

png |Zoo
:
isdang-alat (Pello-na ditchela ) na malakí ang mga matá, humahabà nang 25-30 sm, at nag-huhunos ng kaliskis minsan sa isang taon : buslít, dilát, dumpilás1, múang, silaghábató, túbak1, tuwábak2

kun·dí·man

png |Mus |[ kung+hindi+ man ]
:
tradisyonal at malamyos na awit, karaniwang tungkol sa pag-ibig, at nagsimulang maging popular noong ika-19 siglo : badéng

kun·dí·man

pnu |[ ST kung+hindi+ man ]
:
kahit na hindi o wala nang ibang maaaring bintangan o idahilan.

kún·dit

pnr
:
pahinto-hinto, gaya ng kundit sa pagsasalita.