lakad


la·kád

pnr
2:
naglakbay nang hindi nakasakay sa anumang sasakyan — pnd i·lá·kad, la·ká·ran, la·ká·rin, lu·má·kad, mag·la·kád.

lá·kad

png
1:
pag·lá·kad kilos o paraan ng paghakbang o pagyapak : ÁYAM5, LÁKAW2, PAGNÁ, WALK var lákar
2:
pag·lá·kad pagsulong o pag-unlad ng negosyo
3:
pag·lá·kad pagkilos pasulóng ng kasangkapang de-motor o mekanikal
4:
pag·la·la·kád mahabàng paglakad, gaya sa nag-eehersisyo o namamasyal
5:
pag·la·la·kád pagsasaayos ng papeles o problema
6:
pag·la·la·kád pakiusap para maisaayos ang problema
7:
salitâng-ugat ng kálakarán.

Lá·kad!

pdd
:
Umalis ka na! Hayo na! : LÁRGA!

lá·kad-pá·to

png |[ lakad+pato ]
:
mumunting hakbang na may paggiwang ng balakang.