libe
li·be·ló·so
pnr |Bat |[ Esp ]
:
mapanirang-puri ; nakasisirang-puri.
li·béng
png |[ Ilk ]
:
bangang inilalagay malapit sa itaas ng apat na poste ng kamalig upang pigilan ang mga daga sa pag-akyat.
li·be·rál, lí·be·rál
pnr |[ Esp Ing ]
3:
ukol sa pangkalahatang pagpapaunlad ng kaisipan o kaalaman, hal liberal arts.
li·be·ra·li·dád
png |[ Esp ]
:
katangian ng pagiging mapagbigay.
li·be·ra·li·sá
pnd |i·li·be·ra·li·sá, li· be·ra·li·sa·hín |[ Esp ]
:
paluwagin ; palayain — pnr li·be·ra·li·sá·do.
li·be·ra·lís·mo
png |Pol |[ Esp ]
1:
kalagayang malayà sa pagkilos at pag-iisip
2:
tunguhin at isinasagawâ ng isang liberal na partido sa politika
3:
pampolitika o panlipunang pilosopiyang nagtataguyod ng kalayàan ng tao sa isang partikular ng uri ng sistemang panlipunan.
li·ber·tád
png |[ Esp ]
:
layà2-4 o kalayàan.
lí·ber·ti·ná·he
png |[ Esp libertinaje ]
:
kalayàang gawin ang anumang nais.
liberty (lí·ber·tí)
png |[ Ing ]
:
layà2-4 o kalayàan.