malaya


ma·la·yà

pnr |[ ma+layà ]
:
hindi alipin o wala sa kontrol ninuman : AWTÓNOMÓ1, FREE1, LIBERTINE, LÍBRE2

Ma·lá·ya

png |Heg
:
dáting bansa sa timog-silangang Asia, binubuo ng katimugang bahagi ng Malay Peninsula at ilang kalapit na pulo, at bumubuo sa kasalukuyan ng kanlurang bahagi ng pederasyon ng Malaysia at kilála bílang West Malaysia.

ma·lá·yang ta·lud·tú·ran

png |Lit |[ ma+laya+na+taludtod+an ]
:
tulâ na walang tugmâ at sukat : BERSO LIBRE, FREE VERSE, VERS LIBRE

ma·lá·yan·tók

png |Bot |[ ST mala+ yantok ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.