light
light (layt)
pnr |[ Ing ]
1:
magaan, kung sa timbang
2:
mahinà, kung sa lakas
3:
mapusyaw, kung sa timpla ng kulay
4:
mababaw, kung sa súgat o túlog
5:
matabáng, kung sa timpla ng pagkain
6:
masayá, kung sa damdamin.
lightweight (láyt·weyt)
png |[ Ing ]
1:
tao na may mababàng timbang
2:
sa ilang isport, nása pagitan ng featherweight at welterweight
3:
boksingero na may timbang na hindi hihigit nang 135 lb.
light years (layt yirs)
png |Asn |[ Ing ]
:
distansiyang binagtas ng liwanag sa isang solar year, tinatáyang may habàng 5,880,000,000,000 milya, at ginagamit sa pagsúkat ng distansiya ng mga bituin.