limbo
lim·bô
png |[ ST ]
:
bagay o paraang ginagamit upang madaig ng isang pangkat ang iba.
lím·bo
png |[ Ing Esp ]
1:
pinaniniwalaang tahanan ng kaluluwa ng mga sanggol na hindi nabinyagan at ng mga mabuting tao na namatay bago dumating si Kristo
2:
panahon ng kawalan ng katiyakan hábang naghihintay sa isang pasiya o resolusyon
3:
isang katayuan nang nalimot at napabayaan
lim·ból
png
:
pagtitipon o pagtatagpo ng mga tao sa isang pook.
lim·bón
png |[ ST ]
1:
2:
pook na napakalakas ang hangin
3:
Ark
isang uri ng pasamano
4:
Ark
balangkas na tinatáyang tatlo o apat na dipang higit na malaki kaysa isang bintana.
lim·bóng
png |[ Hil Mrw Seb ST War ]
:
dayà, pandadaya, o tao na nandadaya.
lim·bón-lim·bón
png
:
mga linyang magkaagapay o magkahanay na karaniwang iginuhit o inilimbag.
lim·bó·tan
png |[ Buk ]
:
tsalekong may palamáng kapok.