lito


lí·to

png
1:
[ST] pagtatago, hal paglito sa naniningil o pagtatago sa naniningil
2:
sa sinaunang lipunang Bisaya, pagbebenta ng segunda-manong kalakal
3:
[Hil] paglála o paggantsilyo.

lí·to

pnd |i·lí·to, lu·mí·to
:
bumili ng bigas.

li·to·grá·pi·kó

pnr |[ Esp litograficó ]
:
hinggil o tumutukoy sa litograpiya.

li·tó·gra·pí·ya

png |[ Esp litografía ]
:
sining o proseso ng paglikha ng larawan, sulat, o katulad mula sa sapád na bató at ang pagkuha ng bakás ng tinta na pinagtubugan nitó.

li·tó·gra·pó

png |[ Esp litograpó ]
:
tao na bihasa sa litograpiya.

li·tók

png |[ Seb ]

li·to·ká·nan

png |Mus |[ Klg Tgk ]
:
ikaapat na maliit na gong sa tangunggu.

li·to·rál

png |Heo |[ Esp ]
:
tumutukoy sa pook na pagitan ng mababà at mataas na marka ng tubig dagat o ang pook na malapit sa pampang ng lawa : LITTORAL

li·tó·tes

png |Lit |[ Ing ]
:
paraan ng pagpapahinà sa bisà ng ipinahahayag ; kabaligtaran ng paghahambog Cf PAHÍBAS