liwas


li·wás

png
1:
ugat ng liwásan
2:
ugat ng taliwás
3:
hindi pagkikíta ng dalawang táong naghahanapan.

li·wás

pnr
1:
wala sa linya o labas ng guhit ; lisya
2:
natanggal ; napigtal.

lí·was

png |[ ST ]
1:
paghihiwa-hiwalay ng dalawa o mahigit pang piraso ng kahoy
2:
pagtawid sa daanan o pagpasok sa pinto
3:
[Seb War] araw pagkatapos ng mga pagdiriwang.

lí·was

pnd |i·lí·was, lu·mí·was, mag·lí·was
1:
magpalit ng puwesto o anumang bagay
2:
lumayo sa daan ; lumabas sa guhit.

li·wá·san

png |[ liwas+an ]
:
pook na malawak at karaniwang nása likás na kalagayan para paglibangan ng madla : HÁWAN3, LÍWAS1, PARK1, PÁRKE, PLÁSA1 Cf LIWÁSANG-BÁYAN

li·wá·sang-bá·yan

png |[ liwasan+ng bayan ]
:
liwasan, lalo na kung liwasang pangmadla at hindi pribado.