lugi
lu·gì
png |[ ST ]
:
pagkakaroon ng kapansanan sa mga kadahilanang natural, o dahil sa katandaan.
lú·gi
png
1:
Kom
[Tsi Kap Pan ST]
sitwasyon kapag hindi nabawi ang puhunan sa negosyo at walang kinikíta : ALKÁNSE,
HAPÁY2,
LOSS4,
RESULTÁDO2 Cf BANGKARÓTE
2:
[ST]
pagbilog sa damit, kahoy, at katulad.
lú·git
png |[ Kap Pan Tag ]
1:
pagbibigay ng lamáng para sa pakinabang ng kalabang mahinà
2:
Kom
pagbibigay o pagdaragdag ng panahon para sa katuparan ng isang obligasyon, gawain, o pangako — pnd mag·pa·lú·git,
pa·lu·gí·tan.
lú·git
pnd |lu·gí·tin, lu·mú·git, mag·lú·git
1:
[ST]
dukutin ang matá ng isa sa pamamagitan ng matulis na kahoy o sandata
2:
[Hil]
gumawâ ng bútas sa pamamagitan ng matalim na gamit.