lumo
lu·mó, lu·mò
png |pan·lu·lu·mó, pan·lu·lu·mò
:
panlalambot o panghihi-nà ng katawan at kalooban dahil sa hindi mabuting balita o pangyayari.
lú·mog
png |[ ST ]
:
pagpasok na bigla at marahas na tulad ng isang kaaway.
lu·món
png |Bot
:
uri ng lumot na nakagagamot at tumutubò sa punòng niyog.
lú·mon
png |Bot |[ ST ]
:
bunga na hinog na hinog.
lú·mon
pnd |lu·mú·mon, mag·lú·mon |[ Hil ]
:
makitirá sa ibang tao.
lu·mó·ob
png |Mat |[ ST ]
:
sukat na tatlumpu’t tatlong pulgada at kalahati.
lú·mot
png |Bot
:
pangkalahatang tawag sa alga, gaya ng alga (Usnea philippina ) na matatagpuan sa katawan ng punòng niyog at pino ; ng alga (Gracilaria lichenoides ) na maaaring kainin ng tao, karaniwang nakikíta sa mabató, at mabuhanging bahagi ng pampang ; manipis at lungtiang alga (Gracilaria confervoides ) na inilalahok sa ibang gulay, at ginagamit sa paggawâ ng agar-agar ; alga (Enteromorpha intestinalis ) na pagkain ng bangus ; asul-lungtiang alga (Microcystis geruginosa ) na karaniwang matatagpuan sa lawa ng Laguna at Ilog Pasig : MOSS
lu·mot-lu·mú·tan
png |[ ST lumot-mot+an ]
:
kulantrílyo de-alámbre.