maan
má·ang
png
:
pagkukunwari na walang-alám o tunggak, gaya sa “magmaang-maangan.”
ma·á·ni
pnr |[ ma+ani ]
:
tigib sa ani.
ma·a·nó
pnd |[ ma+ano ]
1:
repleksibo na nangangahulugang magkaroon o maganap ang anuman, hal máanó, naanó
2:
pantulong na pandiwa at kadalasang may ng na nagsasaad ng isang kahilingan, hal “Maanong yumaman ka na!” Cf HÁRIMANAWARÌ,
NAWÂ
3:
ginagamit sa mga idyomatikong ekspresyon ng pagwawalang-bahala na kadalasang sinusundan ng kung, hal “Maanó kung mayaman sila!”
4:
sa mga probinsiya ng Quezon, Marinduque, Mindoro at ibang pook sa Batangas, karaniwang ipinampapalit sa Kumustá, hal “Maano ka na?”
Ma·á·no!
pdd |[ ma+ano ]
:
nagpapahayag ng pagwawalang bahala at pagpipilit ng gusto var Máno!