makin


má·kin

pnb |[ ST ]

má·ki·ná

png |[ Esp maquina ]
1:
aparatong gumagamit ng mekanikal na lakas at may tiyak na gawain ang iba’t ibang bahagi : ENGINE, MACHINE, MOTÓR1
2:
uri ng aparatong mekanikal, gaya ng sa sasakyan : ENGINE, MACHINE, MOTÓR1
3:
instrumentong nagpapadaloy ng lakas : MACHINE
4:
sistemang nagkokontrol ng isang organisasyon : MACHINE
5:
tao na mekanikal kung kumilos at kulang sa emosyon : MACHINE

ma·ki·nár·ya

png |[ Esp maquinaria ]
1:
mákiná sa pangkalahatan : MACHINERY
2:
bahagi ng mákiná : MACHINERY
3:
organisadong sistema : MACHINERY
4:
pamamaraan na maaaring gamitin : MACHINERY

ma·ki·nas·yón

png |[ Esp maquinacion ]
1:
ang akto, halimbawa, o proseso ng paggawâ at pag-aayos ng mákiná
2:
pinaghandaang plano o intriga.

ma·ki·níl·ya

png |[ Esp maquinilla ]
1:
kasangkapan para sa mekanikal na pagsusulat ng titik at mga tipo
2:
sa paglilimbag, estilo ng tipo na nagbibigay ng anyo ng kopyang likha nitó : TYPEWRITER Cf TYPIST
3:
kasangkapan ng barbero sa pagputol ng buhok.

ma·kí·nis

pnr |[ ma+kinis ]
:
may katangian ng kinis : HÁMIS, ÍS-IS2, SMOOTH1, SOFT3

ma·ki·nís·ta

png |[ Esp maquinista ]
1:
tao na gumagamit ng mákiná : MACHINIST
2:
tao na gumagawâ ng makinarya : MACHINIST