mast


mast

png |Ntk |[ Ing ]

mas·tá·ba

png |[ Ara mastabah ]
:
sinaunang libingan sa Egypt, pahabâ ang hugis at may pantay na bubungan, may taas na 5–6 m.

mastectomy (más·ték·to·mí)

png |Med |[ Ing ]
:
pagtistis sa súso.

más·ter

png |[ Ing ]
2:
laláking pinunò ng isang tahanan
3:
may-ari ng anumang hayop
4:
may-ari ng alipin
5:
Ntk ang kapitan ng isang barko o sasakyang-dagat
6:
sa edukasyon, tao na may ikalawa at mataas na titulo mula sa isang unibersidad o kauring paaralan.

mastermind (más·ter·máynd)

png |[ Ing ]
1:
tao na may mataas na antas ng karunungan
2:
tao na nagpaplano ng isang operasyon.

Más·ter of Arts

png |[ Ing ]
:
diplomang gradwado pagkaraan ng batsilyer Cf MA

Master of Fine Arts (más·ter of fáyn arts)

png |[ Ing ]
:
sa edukasyon, titulo ng nakatapos na may master sa pag-aaral ng mga sining na gaya ng pintura, eskultura, at iba pang sining biswal Cf MFA

Master of Laws (más·ter ov los)

png |[ Ing ]
:
diploma ng master sa abogasya Cf LL M

Master of Science (más·ter of sá·yans)

png |[ Ing ]
:
titulo ng isang tapós ng master sa agham Cf MS1

masterpiece (más·ter·pís)

png |[ Ing ]
1:
Lit Sin obra maestra
2:
ang bagay na pinagkadalubhasaan ng isang tao.

mastery (más·te·rí)

png |[ Ing ]
1:
pamumunò ; pagiging punò
2:
malawak na kaalaman o kadalubhasaan sa anumang larang.

masthead (mást·hed)

png |[ Ing ]
1:
tuktok ng pálo ng sasakyang-dagat na nagsisilbing pook sa pagmamasid
2:
ang titulo ng isang peryodiko at katulad sa unang pahina o sa itaas ng pahina ng editoryal.

mas·tík

png |Bot |[ Ing mastic ]
:
punongkahoy (Pistacia lentiscus ) na nakukuhanan ng masilya.

más·to·dón

png |Zoo |[ Gri mastos+ odontos ]
:
alinman sa malakí at tíla elepanteng mammal (Mammut mastodon ) mula sa panahon ng Oligocene at Pleistocene.

mastoid (más·toyd)

pnr |[ Ing ]
:
nahahawig sa súso o utong.

mas·tur·bas·yón

png |[ Esp masturbacion ]
:
salsál1 o pagsasalsál.

masturbate (más·tur·béyt)

pnd |[ Ing ]
:
laruin ang sariling ari o ari ng iba ; magsalsal o salsalin.

masturbation (más·tur·béy·syon)

png |[ Ing ]
:
salsál1 o pagsasalsál.