palo
pa·lò
pnd |mag·pa·lò, pa·lú·in, pu·ma·lò, i·pa·lò, i·pam·pa·lò
1:
ihampas o hampasin
2:
patamaan ang bola
3:
kusang gawin.
pa·lô
png |[ Hil War ]
:
pamukpok na kahoy.
pa·log·sô
png |[ ST ]
:
uri ng balyan, pantakot na inilalagay sa taniman.
pa·lók
png
1:
[ST]
patuloy o madalas na paggawâ sa isang gawain
2:
[ST]
hindi pagkain dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak
3:
Zoo
mahabàng balahibo sa leeg ng manok.
pa·lók·lok
png |[ ST ]
:
senyásan ng binata at ng nililigawan hinggil sa pag-aalok ng kasal.
pa·lok·pók
png |[ ST ]
:
bagay katulad ng gulay na hindi lumalaki.
pá·lo ma·rí·a
png |Bot |[ Esp Hil Tag Seb ]
:
malaki-laking punongkahoy (Calophyllum inophyllum ), 20 m ang taas at 40 sm ang diyametro, eliptiko at makintab ang dahon, putî at mabango ang bulaklak, at bilog ang bunga na 4 sm ang diyametro, katutubò sa Filipinas at karatig pook hanggang India : DANGKÁLAN
pá·lo ma·rí·a del món·te
png |Bot |[ Esp ]
:
punongkahoy na tuwid, salítan at balahibuhin ang dahong biluhabâ, at nagagamit na panghalo sa asupre ang dagta ng balát ng punò.
pa·ló·mi·nó
png |Zoo |[ Ing ]
:
isa sa mga uri ng palahiang kabayo na ginintuan, at mapusyaw ang kulay ng buntot.
pa·lon·da·ngán
png |[ ST ]
:
madilim na pook na puwedeng pansamantalang tulugan.
pá·long
png |[ ST ]
1:
2:
takot ng hayop dahil sa pagpasok sa isang mapanganib na pook.
pa·long·hó
png |[ ST ]
:
malakas na bagyo.
pa·lóng-pa·lú·ngan
png |Bot |[ palong-palong+an ]
:
yerba (Celosia cristata ) na tíla palong ang pulá o dilaw na bulaklak at tumataas nang 100 sm : COCKSCOMB3,
PÁLONG-MANÓK
pa·long·póng
png |[ ST ]
1:
pananim na nasirà ng masamâng panahon
2:
3:
pagbali o pagkabali ng bahaging dulo ng mga punò.
pa·lon·kan·láng
png |[ ST ]
:
maliit na bote na malawak ang bibig.
pa·lo·ób
png |Lit |[ pa+loob ]
:
katangian ng panitikan, lalo na ng tulang Modernista, na mahirap maunawaan Cf PALABÁS
pa·lo·ób
pnr |[ pa+loob ]
:
papunta sa loob ; inilagay sa loob, hal kamiseta paloob sa pantalon.
pa·lo·ók
png |Mus
:
pangkat ng mga gángsa.
pa·ló·ot
png |[ ST ]
:
salitâng Bisaya ngunit ginagamit din ng mga Tagalog, pagtatalop sa pipino, pinya, at katulad.
pa·lò·pa·lò
png |[ ST ]
1:
piraso ng kahoy na ginagamit para sa pagpalo ng nilalabhan
2:
uri ng maikli at maitim na isda.
pa·lor·pór
png |[ ST ]
:
pagputol sa mga suloy ng palay, kugon, at maliit na punò.
pa·lós
png |Zoo
pá·lo-sán·to
png |Bot |[ Esp ]
1:
2:
punongkahoy (Triplaris cumingia-na ) na salítan ang biluhaba at mala-pad na dahon, at may bulaklak na puláng mapusyaw, katutubò sa tropikong America.
pa·ló·say
pnd |mag·pa·ló·say, pa·lo·sá·yin |[ ST ]
:
pabayaan ang babae na nakalugay ang buhok.
pa·lós-bu·há·ngin
png |Zoo
:
isdang tíla maliit na palos (family Congridae, subfamily Heterocongrinae ), maliit ang bibig, pabilog ang ulo at katawan, at nakatirá nang pangkat-pangkat sa mabuhanging pook : GARDEN EEL,
ÓBUD,
PÁLO4
pa·lo·sé·bo
png |[ Esp palo+cebo ]
:
uri ng laro na inaakyat ng kalahok ang tagdang kawayan na madulas dahil kinulapulan ng mantika at may nakalaang gantimpala sa tuktok var palusébo
pá·lot
pnr |[ ST ]
:
natanggal ang balát.
pa·lo·tán
png |[ ST ]
:
kakaníng tulad ng palitaw.