matang
ma·táng-á·raw
png |Bot |[ ST matá+ng +araw ]
:
uri ng maliit na punongkahoy.
ma·táng-bá·ka
png |Zoo
1:
2:
[Tag matá+ng+baka]
ibon (Pluvialis squatarola ) na karaniwang matatagpuan sa dalampasigan at bangkóta : PLOVER
ma·táng-bá·lang
png |[ ST matá+ng+ bálang ]
1:
tao na matagal nang nagdurusa
2:
matáng nakaluwa tulad ng bálang.
ma·táng-ba·yá·ni
png |[ ST matá+ng+bayáni ]
:
ang tapang ng isang lasing, na namumula ang mga matá.
ma·táng-bu·káw
png |[ ST matá+na+bukáw ]
:
kuwintas na mga butil ng ginto.
ma·táng-dá·gat
png |Zoo |[ matá+ng+dágat ]
:
maliit na isdang-alat (family Malacanthidae ), patulis ang ulo, pahabâ ang katawan, maliliit ang kaliskis, at may palikpik sa likod hanggang buntot : NALAGÁLEP,
SAND TILEFISH
ma·táng-du·lóng
png |[ matá+ng+dulóng ]
1:
[ST]
isang uri ng yerba
2:
Zoo
uri ng maliit na ibon (family Zosteropidae ) na may singsing na putîng balahibo ang paligid ng matá : WHITE-EYES
ma·táng-hi·tò
png |Med |[ ST matá+ng+hitò ]
:
madalas na pagkurap ng mga matá.
ma·tang-lá·win
png |[ matá+ng+ láwin ]
:
tao na may napakatalas na paningin var matanláwin
ma·táng-ma·nók
pnr |Med |[ ST matá+ng+manók ]
:
hindi makaaninag mabuti pagdatíng ng takipsilim.
ma·táng-pu·sà
png |[ ST matá+ng+pusà ]
1:
matáng kulay asul
2:
uri ng maliit at bilugang batóng kulay lungtian na matatagpuan sa tabing-dagat.
ma·táng-u·láng
png |Bot |[ ST matá+ng+ulang ]
1:
uri ng yerba
2:
uri ng punongkahoy.