metro


mé·tro

png |[ Esp ]
1:
batayang yunit ng habà sa sistemang metriko ng súkat, katumbas ng 100 sm o humigit-kumulang sa 39.37 pulgada : M1, MÉTER
2:
kasangkapan sa pagsúkat ng habà, taás, at lakí ng materyáles : M1, MÉTER
3:
Lit sa tula, ang sukat at habà ng taludtod : M1, MÉTER
4:
Mus ang pulso at ritmo ng isang anyong pangmusika : M1, MÉTER

Mé·tro

png |[ Fre ]
1:
sistema ng subway sa lungsod o tren sa sistemang ito lalo na sa Paris
2:
pinaikling Metropolis.

Mé·tro Ma·ní·la

png |Heg
:
popular na tawag sa Pambansâng Punòng Rehiyón.

metronome (mé·tro·nówm)

png |Mus |[ Ing ]
:
mekanikal na instrumentong nagbibigay ng regular na senyas.

mé·tro·po·lís

png |[ Ing ]
1:
punong-lungsod ng isang bansa Cf KAPITÓLYO
2:
lungsod o bayan na lunsaran ng isang gawain
3:
ang nasasakupan ng isang lalawigang eklesyastiko.

Mé·tro·po·lís

png |[ Gri “inang lungsod” ]
:
malakí, makapal ang populasyon, at industriyal na lungsod Cf METRO2

mé·tro·po·li·tán

png |[ Ing ]
1:
sinumang naninirahan sa metropolis : MÉTROPOLITÁNO
2:
pinunò ng isang lalawigang eklesyastiko : MÉTROPOLITÁNO
3:
arsobispo na may tungkuling pangalagaan ang mga obispo : MÉTROPOLITÁNO

mé·tro·pó·li·tán

pnr |[ Ing ]
1:
ukol sa mga katangian ng metropolis at ng mga naninirahan dito : MÉTROPOLITÁNO
2:
may kinalaman sa bumubuo ng isang bansa : MÉTROPOLITÁNO
3:
ukol sa isang eklesyastikong pook : MÉTROPOLITÁNO

mé·tro·po·li·tá·no

png |[ Esp ]