militar
mi·li·tá·ri·sas·yón
png |[ Esp ]
:
paghawak ng militar sa kapangyarihang sibil.
mi·li·ta·rís·mo
png |Mil |[ Esp ]
1:
ang kinikilingan ng isang sandatahang propesyonal : MILITARISM
2:
pangingibabaw ng mga prinsipyo, batas, o patakaran ng militar : MILITARISM
mi·lí·ta·ris·tá
png |Mil |[ Esp ]
1:
tao na napangingibabawan ng mga ideang militar
2:
mag-aaral ng agham militar.
military ceremony (mi·li·tá·ri se·ré· mo·ní)
png |Mil |[ Ing ]
:
pagkilos ng isa o maraming pangkat mula sa isang kinatatayuan tungo sa iba ayon sa utos ng pinunò.
military courtesy (mi·li·tá·ri kór·te· sí)
png |Mil |[ Ing ]
:
ang tinatanggap na asal sa serbisyong militar.