namin
ná·min
pnh
1:
panghalip panaong maramihan, nása unang panauhan at nása kaukulang paari, at kumakatawan sa ngalan ng mga táong nagsasalita na nag-aari, kinauukulan ng bagay, gawain at pangyayaring binabanggit, at hindi saklaw ang kausap
2:
nagpapahayag ng tagaganap ng pandiwa kung hindi ito ang simuno ng pangungusap, hal Ginawâ namin.
ná·mi-ná·mi
png |[ ST ]
:
pagkadesmaya dahil hindi makapagluluto nang maayos para sa isang tao.